WebClick Tracer

SPORTS

Morales, 3 pa bida sa karate

Nagpakitang gilas ang mga kabataang sina Steven Jhudiel Morales, Solara Uriel Morales, Zemira Zaigen at Gawad Daz ng San Jose del Monte City sa katatapos na 3rd ABR Cup Karate Championships.

Dinomina g 12-anyos na si Morales ang mga event sa 12-13 at 14-15 age-group ng boys division.

Nagwagi si Solora, 8, sa kata-girls division at iniuwi ang silver medal sa kumite, team kata at Naka-bronze medal pa sa team kumite.

Habang ang walong taon ding Das nakakuha naman ng silver medal sa 6-7 year old kata division. May panalo rin si Zaigen.

“They really wanted to follow the footsteps of our Sensei Adora Aquino, a former national team member. These kids will grow with a lot of potentials to become the next Junna Tsukii and possibly, become world champions someday,” ayon ani coach Mary Anne Guillermo. (Annie Abad)

TELETABLOID