WebClick Tracer

SPORTS

Nationals hari, Almendras MVP

Sabwatan sina Michaelo Buddin at Angelo Nicolas ‘Nico’ Almendras ng 40 points upang kumpletuhin ng National University-Santa Elena ang sorpresang pagwalis kontra Cignal, 25-18, 23-25, 25-23, 25-23, upang maghari sa 5th Spikers Turf 2022 Open Conference nitong Sabado ng gabi sa Paco Arena sa Maynila.

Humambalos si Buddin ng 22 points at 18 si Almendras na pagkaraan hinirang na ConferenceMost Valuable Player ang huli at Finals MVP ang una sa dalawang oras at dalawang minutong Game 2, gaya ng four-set win sa Game 1 noong Huwebes.

Sumaklolo pa ng 10 markers si Kenny Malinis kina Buddin at Almendras sa pagdiin ng Nationals sa kahandaan na para sa susunod na susuungang giyera sa 85th University Athletic Association of the Philippines 2022.

Kasama sa pinarangalan na tropa ng tatlo sina Obed Mukaba (1st Best Middle Blocker) at Ave Joshua Retamar (Best Setter).

1st Best Outside Spiker naman si Marck Jesus Espejo, 2nd Best Middle Blocker si John Paul Bugaoan, Best Opposite Hitter si Ysrael Wilson Marasigan at Best Libero si Manuel Sumanguid II ng kapwa HD Spikers.

Kumukupleto sa mga awardee si John Benedick San Andres ng pumang-apat na VNS One-Alicia na 2nd Best Outside Spiker.

Na-sweep din ng PGJC Navy sa kagayang serye laban sa Griffins, 26-28, 25-18, 25-16, 25-23, para tumersera sa seven-team men’s volleyfest na inorganisa ng Sports Vision Management Group, Inc. (Ramil Cruz)

TELETABLOID