WebClick Tracer

SPORTS

Padringao, Ateneo eskapo

Nagsanib-pwersa sina Forthsky Padrigao at BJ Andrade upang dalhin sa buwenamanong panalo ang Ateneo Blue Eagles kontra FEU Tamaraws, 79-70 sa 85th University Athletic Association of the Philippines men’s basketball tourney elims Linggo ng gabi sa MOA Arena sa Pasay.

Sinandalan ang Katipunan-based squad ng dalawang scoring guard sa 14-5 run sa fourth period upang makuha ang 14-point na kalamangan sa nalalabing 6:07 ng laro sa 69-55.

Pero dumikit pa Morayta-based team sa limang puntos, 70-75, sa bangis ni Patrick Sleat saka nagpasikat si sophomore point guard Padrigao na nakatres at sinamhan ng ADMU sa early lead ang Santo Tomas Growling Tigers, defending champion UP Fighting Maroons at NU Bulldogs.

“Scrappy (win) for sure which is nothing new for the first UAAP game of the season I think that’s the standard line for most coaches,” ani Ateneo coach Tab Baldwin. “I think we have big players who make big shots which is not really the formula the one I like.”

Tumuka si Padrigao ng 19 points, 7 assists at 6 rebounds, habang may 15 markers si Andrade. Nag-ambag sina Dave Ildefonso at Ange Kouame n sa 14 pts.-12 rebs. at 12-14, ayon sa pagkaaksunod.

Tumapos naman si L-jay Gonzales ng 19 pts. para sa Tams. (Gerard Arce)

TELETABLOID