WebClick Tracer

SPORTS

Red Queen karipas

Hinangaan si Red Queen nang hablutin ang panalo sa Klub Don Jun De Manila Juvenile Stakes Race sa Metro Turf sa Malvar/Tanauan Batangas Linggo ng hapon.

Umarangkada siya sa largahan sakay si jockey Pablito Cabalejo, pero kinapitan ng liyamadong si Lake Balinsasayao.

Nag-ubusan ng lakas ang dalawa sa unahan hanggang sa rektahan, at naging kapana-panabik ang harurutan nila pa-meta.

Halos kalahating kabayo lang ang nilamang ni Red Queen kay Lake Balinsasayao pagtawid sa finish line.

May tiyempo ang winning horse na 1:25.6 sa 1,400-meter race upang hamigin ang premyong P300K ng may ari sa kanya sa event na suportado ng Philracom (Philippine Racing Commission) sa pamumuno ni Chairman Aurelio De Leon. (Elech Dawa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID