WebClick Tracer

SPORTS

Scottie, Gin Kings dinaganan Bolts

Sa likod ni best player of the game Scottie Thompson, binawian ng Ginebra ang Meralco 99-91 sa PBA Governors Cup elims Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Umiskor ng 10 pataaas ang starters ni coach Tim Cone at kinolekta ng Gin Kings ang unang panalo sa dalawang laro.

Namuno ang 34 points ni Justin Brownlee sa Ginebra, inayudahan ng 16 ni Stanley Pringle. Tumapos ng 15 pts., 9 rebounds at 9 assists si Scottie Thompson, may tig-10 markers sina Jamie Malonzo, Japeth Aguilar at Christian Standhardinger.

Bumentahe ang Gins 49-41 sa break at hindi na bumitaw, nagkamada si Brownlee ng 13 points sa fourth para tapatan ang rally ng Bolts.

Wala pang panalo sa dalawang laro ang Meralco sa kabila ng 31 points, 16 rebounds ni Johnny O’Bryant at 20 points ni Allein Maliksi

Nilista naman ni Gian Mamuyac sa second half ang lahat ng kanyang 17 points para giyahan ang Rain or Shine (2-1) sa 106-94 win kontra Terrafirma (0-3) sa unang laro.

“Coming to this game, ang mindset ko lang po is I will be aggressive on defense and give whatever I can to my team, both offense and defense,” anang 6-foot-1 guard na No. 5 pick ng Elasto Painters noong Mayo. (Vladi Eduarte)

TELETABLOID