WebClick Tracer

NEWS

Sharon Cuneta binira sa niyabang na yaman

Binira ng isang pari at ilang netizen si Megastar Sharon Cuneta matapos i-flex ang kanyang yaman sa vlog.

Hindi naman daw porke afford ni Sharon na bumili ng mga mamahalin at pera naman niya ang ipinambibili ay may karapatan na siyang ipagmayabang ito.

Reaksyon ito ng Catholic priest na si Father Benny `Nongnong’ Tuazon sa nag-viral na video ni Sharon kung saan bibili sana siya ng sinturon ngunit hindi pinapasok sa isang Hermes store sa South Korea, kaya pinakyaw na lamang niya ang mga paninda sa kalaban na Louis Vuitton.

Inirampa ni Sharon ang mga pinamili niya sa taong humarang sa kanya sa Hermes store, na mapapanood sa kanyang vlog.

Ani Father Nongnong, mas mabuting naging mapagpakumbaba na lamang ang aktres at hindi na sana ipinangalandakan pa ang kanyang yaman sa video.

“Sana a little prudence naman dun sa isang sikat na singer at actress na nagflaunt ng yaman on video. Daming designer bags/items ang binili sa isang tanyag na store. It is not about affording it but being discreet about it. Kailangan ba talagang nakavideo at i-post?” sabi ng pari sa isang tweet.

Ilang fan naman ang nagtanggol kay Sharon at sinabing hindi pagmamayabang ang ginawa ng aktres dahil pera naman niya ang ginamit at pinaghirapan ang ipinambili niya.

@nenebotyahooco1: “Pera naman po nya yon..pinaghirapan nya sariling sikap..tingnan din naman po natin sa positibong paraan..at nakaranas po daw si aktres ng diskriminasyon sa store ng branded na bag..kaya ayun lumipat sa LV at don namakyaw kaya may karapatan syang gawin yon pera nyang pinagpaguran”.

Pero giit ng pari, “I agree that it was her money and she has all the right. Pero di naman kailangan. Humility is better.”

Reaksyon naman ng netizen na si @blissfulcow: “Yes it’s their right to purchase if they have the means but I too find it unnecessary to flaunt and post.”

Narito ang ilan pang komento ng mga netizen:

@PilipinoTotoo: “Hindi naman yung idea ng flaunting po ang point ng video. Ang context kasi, hindi siya pinapasok sa Hermes.”

@salvadoradora3: “It’s her way of making pasikat.” (Issa Santiago)

TELETABLOID