WebClick Tracer

SPORTS

3 PBA team ibebenta na; Boysen 3 pa abangers!

Bulung-bulungan na ang apat na kumpanyang interesadong bumili sa tatlong prangkisa sa Philippine Basketball Association.

Lumabas ang Cebu Landmasters, Master Sardines, Chooks To Go at Boysen na nagpaparamdam, ayon sa ilang sources ng Abante TeleTabloid Linggo.

At mga prangkisa na ibebenta na ayon sa impormante ay ang Phoenix Super LPG ni Dennis Us, NLEX ng MVP Group at NorthPort ni 1Pacman Rep. Mikee Romero.

Ang Fuel Masters ang unang napaulat na hinahanapan na ng buyer ng may aring si Uy.

May ilang kompromiso si Uy, pati ang PBA bond na P60M ng Fuel Masters ay pinapa-hold.

Dati nang maugong na gustong pumasok ng PBA ang Chooks To Go ni Ronald Daniel Mascarinas, nag-3×3 naman ang Master Sardines.

Bagong players na nakaabang ang Cebu Landmasters at Boysen.

Wala pang gustong magsalita sa apat nabanggit na team nang hingan ng reaksyon. (Abante TeleTabloid Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID