WebClick Tracer

METRO

Kaupakan ni erpat tinodas ng anak

Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos saksakin ng anak nang kanyang nakasuntukan kahapon sa may Rizal Avenue, Sta.Cruz, Maynila.

Inilarawan ni PSSG John Kevin Zuñiga, ang biktima na nasa edad 50-55, at may taas 5’3, na nasawi dahil sa dalawang saksak sa katawan.

Ang dalawang suspek naman ay nakaitim na jacket at ang isa ay nakaitim na t-shirt.

Naganap ang insidente ala-1:15 ng madaling araw sa tapat ng SVL Dental Clinic.

Ayon kay Roberto Moya, Barangay Tanod, kapwa hindi umano residente sa lugar ang biktima at isang lalaki na nasa edad 60-62, miyembro ng Batang City Jail na unang nakasuntukan ng biktima.

Nakita umano ni Moya ang pagsusuntukan ng biktima at isang lalaki kaya nilapitan niya at inawat pero nagsalita ang lalaki sa biktima ng “babalikan kita”.

Ilang minuto pa, dumating ang 2 lalaki na kapwa nasa edad 20-25 at hinahanap ang lalaking umano’y nakasuntulan ng kanyang ama.

Ilang saglit lang ay duguan na ang biktima at humihingi ng tulong.

Dinala ito sa Jose Reyes Memorial Medical Center pero nasawi rin alas-2:15 ng madaling araw. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on