WebClick Tracer

NEWS

PBBM sumipa approval rating bilang DA chief

Nakakuha ng mataas na marka si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang pansamantalang kalihim ng Department of Agriculture (DA) batay sa resulta ng 2022 quarterly survey series ng Publicus Asia.

Sa inilabas na pahayag ng Office of the Press Secretary (OPS), nakakuha ng 63% na pag-asang-ayon sa mga respondent ang naging desisyon ng pangulo na pamunuan muna ang DA habang 15% ang tumutol at 22% ang undecided.

Ginawa ang survey noong Setyembre 16-20, 2022 kung saan may 1,500 respondent ito.

Ayon sa OPS, malinaw ang dahilan ni Pangulong Marcos para pamunuan ang DA dahil nais nitong pagtuunan at gawing prayoridad ang sektor ng agrikultura.

Matatandaang inihayag ng pangulo na nais niyang balasahin ang istraktura ng DA at palakasin ang produksiyon sa agrikultura upang mapaghandaan ang nakaambang krisis sa pagkain.

Bukod sa survey ng Publicus Asia, nakakuha rin ang Marcos administration ng mataas na approval rating mula sa Pulse Asia survey kaugnay sa pangangasiwa sa mga pangunahing isyu sa bansa.

“The Pulse Asia poll, which was released on October 6, found that his administration received “majority approval ratings” on 11 of the 13 issues, including responding to the needs of calamity-hit areas and controlling the spread of COVID19,” pahayag pa ng OPS. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID