WebClick Tracer

METRO

Erpat kinatay pabigat na anak

TODAS ang isang lasinggerong anak na nagwawala at laging humihingi ng pera matapos pagtatagain nang hindi na nakapagtimping ama sa Barangay Cullalabo Norte, Burgos, Isabela kamakalawa.

Kinilala ng Burgos Police Station (BPS) ang namatay na si Romeo Balubar Jr., 47, at ang suspek na ama na si Romeo Balubar, Sr., 74, parehong taga-nasabing barangay.

Isinugod ang biktima sa ospital ngunit dead-on-the spot ito dahil sa mga taga sa ulo at katawan.

Sa report, ayon sa BPS, inamin ng matandang Balubar na napatay niya ang kanyang anak matapos mapuno dahil palagi itong lasing, nanggugulo at nanghihingi ng pera.

Ayon sa pulisya, lumalabas na hiwalay ang batang Balubar sa kanyang asawa 20 taon na ang nakakaraan at sa kanyang ama na tumira kung saan lagi itong nagwawala na ikinapuno na ng matanda.

Narekober ng mga nagresponding pulis ang ginamit na itak ng suspek na nakakulong ngayon. (Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on