WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Senador sinasabotahe ng MRO, PR iniipit

Kakaiba itong Media Relation Officer (MRO) ng isang senador na napaka-choosy kapag nagbibigay ng press release (PR) ng kanyang boss.

Kaya naman imbyerna ang ilang reporters dahil nga may paborito siyang pagbigyan ng PR.

Wala namang instruction ang kanyang boss na piliin ang media entities na pagbibigyan ng PR pero itong MRO, may listahan siya ng mga network o reporter na gusto lang niyang pagbigyan. Kung hindi ka niya type, hindi ka bibigyan.

Sa madaling salita, ayaw niyang i-blast ang kanilang PR sa lahat ng media na nagkokober sa Senado. Piling-pili lang.
Kahit nga Senate PRIB hindi niya pinapadalhan kaya kapag nag-check ka sa website ng Senado, hindi mo makikita ang kanilang PR.

Kapag nakita na ng MRO na ito na lumabas na sa news online ang kanilang PR o ‘di kaya’y naibigay na niya ito sa kanyang peyborit reporter, doon pa lamang niya ito ipapadala sa mga reporter via email or sa viber group.

May pagkakataon naman na ang reporter na pinagbibigyan niya ng PR pa ang nagsi-share ng PR sa mga kapwa niya reporter. Halata tuloy na napakatamad ni MRO dahil hindi niya magawang i-share ang kanilang PR sa lahat ng reporter ng nagkokober sa Senado, gayong bahagi ito ng kanyang trabaho.

Dapat masilip na ng kanyang amo ang sablay na diskarte ng kanyang MRO dahil imbes makatulong ay nakakasira ito sa kanya sa mata ng media.

Clue: Masipag, mabait ang among senador taliwas sa kanyang MRO na nuknukan ng tamad o sadyang sinasabotahe nga ba ang kanyang amo? May letrang E ito sa kanyang pangalan as in Epal lang ang peg.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID