WebClick Tracer

NEWS

2 Mastermind kay Percy natumbok ng DOJ

Dalawang person of interest na pinaniniwalaang mastermind sa pagpaslang sa brodkaster na si Percy Lapid at sa umano’y middleman na si Jun Villamor ang natumbok na ngayon ng Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nasa final stage na sila ng imbestigasyon.

“The investigation is almost over. It’s a matter of filing cases and probably being able to identify masterminds in these cases,” ayon kay Remulla sa isang press briefing.

“We are saying masterminds, in the plural. We’re drawing out two persons of interest as masterminds, but we cannot say their names now because we have to determine everything, and we do not want to violate any rights of anybody,” dagdag pa ni Remulla.

Gusto umano ni Remulla na matiyak na ang lahat ng kanilang ginagawa ay alinsunod sa batas.

Sinabi pa ni Remulla na ang pagpatay kay Lapid at Villamor ay “intersecting” dahil si Villamor ang umano’y co-conspirator sa pagpatay kay Lapid.

Ikinaalarma naman ni Remulla at ng isang forensic pathologist ang natuklasang shabu sa ihi ni Villamor.

Sa autopsy report ni Dr. Raquel Fortun, nakitaan ng methamphetamine o shabu ang ihi ni Villamor. Bukod pa ito sa lumabas na resulta na nasawi ang preso dahil sa asphyxia o kawalan ng hininga matapos umanong takluban ng plastic bag sa ulo.

“Preliminary urine toxicology showed methamphetamine,” ayon sa report ni Dr. Fortun.

Ayon kay Remulla, ang pagkakaroon ng shabu sa sistema ni Villamor ay kumukumpirmang may iligal na droga sa loob ng Bilibid. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on