WebClick Tracer

NEWS

Senate probe sa Lapid case namumuro

Nakahanda ang Senado ang magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon kaugnay sa pagpaslang sa broadcaster na si Percival ‘Percy Lapid’ Mabasa kapag malabo at makitaan pa rin ng butas ang ilalabas na resulta ng joint investigation ng Philippone National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).

Ito’y ayon kay Senador Risa Hontiveros kasabay ng pagsasabing sa ngayon ay wala pang basehan upang kumilos ang Senado dahil binibigyan nila ng sapat na panahon ang PNP at NBI para masusing imbestigahan ang kontrobersiyal na krimen.

“May ilang linggo pa bago magresume ang sesyon so ito ay panahon na puwedeng ipakita ng joint PNP at NBI investigation kung masasatisfy ang lahat ng tanong,” ayon kay Hontiveros.

Ngunit paglilinaw ng Senador, kung sa pagbabalik ng sesyon ng kongreso sa Nobyembre 7 ay bitin pa rin o natapos na umano ang imbestigayon ngunit marami pang mga katanungang hindi nasasagot ay kikilos na ang Senado.

Sa katunayan ay naghain na umano ng resolusyon si Senado Ramon ‘Bong’ Revilla para rito.

Gayunpaman, dagdag ng senador sa ngayon ay hayaan munang gawin ng PNP at NBI ang kanilang trabaho at umaasa umano siyang makapaglabas ito ng kumpletong findings at recommendation. (Eralyn Prado)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on