WebClick Tracer

NEWS

17 milyong Pinoy adik sa yosi, vape – DILG

Inatasan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang lahat ng lokal na pamahalaan na paigtingin pa ang kampanya kontra sa paninigarilyo at vaping upang iligtas ang mga Pinoy sa panganib na dulot ng tabako.

Binanggit niya na mahigit 17 milyong Pinoy ang naninigarilyo at isa ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na maraming nagkakasakit na may kinalaman sa tabako.

“The number includes 12.5 percent of the teen population ages 13 to 15 years old,” pahayag ni Abalos sa 8th Asia Pacific Smoke-Free Conference na ginanap sa bansa.

Naalarma pa si Abalos na dahil aniya sa kasikatan ng mga e-cigarette, 14.1 porsiyento ng kabataang 13 hanggang 15-anyos sa bansa ay aktibong gumagamit ng vape batay na rin sa Global Youth Tobacco Survey.

Ito’y sa kabila aniya na may mga ipinasang batas para kontrolin ang paninigarilyo katulad ng Republic Act No. 11900 o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on