WebClick Tracer

SPORTS

4 laro sa 14th V-League Men’s Collegiate Challenge elimination round pinagpaliban dahil kay ‘Paeng’

Naudlot ang paluan sa 14th V-League 2022 Men’s Collegiate Challenge elimination round sa Paco Arena sa Maynila Linggo ng hapon matapos kanselahin ng Sports Vision Management Group, Inc. ang apat na laro dahil sa pamiminsala ng bagyong Paeng.

Inisip ding una ng pamunuan ng liga ang kaligtasan ng mga manlalaro, officials at fan.

“We hope everyone is safe and dry despite the weather. Please be advised accordingly and further updates and information will be provided once finalized,” nakalagay sa ibinabang statment ng PVL

Ang mga nakanselang laban ay ang San Sebastian Golden Stags (0-2)-Perpetual Help Altas (2-0), Adamson Soaring Falcons (1-1)-Arellano Chiefs (0-2), Ateneo Blue Eagles (2-0)-UP Fighting Maroons (1-2) at Saint Benilde Blazers (0-2)-Santo Tomas Tiger Spikers (1-1).

Sakaling gumanda ang panahon ilalarga ang mga laro sa Nobyembre 4 para sa men’s elims at women’s semifinals. (Elech Dawa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on