WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

4 worker nalason sa bangus

Apat na trabahador ang nalason, isa sa mga ito ay nasawi sa nilantakan nilang bangus sa Barangay Poblacion, Lapu-Lapu City nitong Biyernes.

Sa report, kinilala ang nasawing si Felix Genelazo, 35, construction worker mula sa Carcar City.

Naka-confine naman sa Lapu-Lapu City Hospital ang katrabaho niyang si Virgilio Supas, 41 habang pinalad na gumaling ang dalawa pa nilang kasamahan na sina Haslenito Bonghanoy at Jaymar Padillo na kumain din ng umano’y “bulok” nang bangus.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat, na isa sa mga construction worker ang bumili ng isang kilong bangus sa halagang P30 sa Lapu-Lapu City Public Market alas-singko ng hapon noong Biyernes.

Inihaw umano ng mga biktima ang isda at inulam ngunit pagsapit ng alas-otso ng gabi ay nagsuka, sumakit ang tiyan at pawang nagtae na.

Hindi agad nagpunta sa ospital ang mga biktima, na ikinasawi agad ng isa.

Inaalam pa ngayon kung sino ang nagbenta ng bangus sa mga biktima. (IS)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on