WebClick Tracer

NEWS

DSWD `wag choosy sa ayuda ng mga binagyo – PBBM

Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mabigyan din ng tulong ang mga mamamayan na nasalanta ng bagyong Paeng kahit wala ang mga ito sa evacuation center.

Sinabi ng Pangulo na maraming mamamayan na hindi nakapunta sa evacuation center kaya dapat magtulungan ang DSWD at mga local government unit para mabigyan ng relief goods ang mga ito pati na ang malinis na tubig.

May ibang mga lugar aniya na sinagasa ng bagyong Paeng na walang evacuation center kaya dapat na kumilos ang mga lokal na pamahalaan at makipagtulungan sa DSWD para makakuha ang mga tao ng relief goods.

“Pero `yung iba din kailangan siguraduhin natin na kahit hindi sila nakapunta sa evacuation center, kung nangangailangan sila, patulong tayo sa LGU puntahan din natin `yung mga `yun. And it’s still the same, it’s relief goods, it’s water supply. So `yung immediate requirement will be bottled water but again ‘yung filtration systems ang ilagay natin kaagad doon,” wika ng pangulo.

Nais din ni Pangulong Marcos na bigyang prayoridad ang pagbabalik ng kuryente sa mga ospital at evacuation center sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Paeng.

“Usually, dapat unahin natin, when it comes to restoring power, `yung mga hospital, mga evacuation center. Whatever it is, if we need to put generators, makabit ulit ang kuryente. Those should be the priorities,” utos pa ng pangulo.

Samantala, tiniyak ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na magiging malinaw sa lahat ng DSWD regional director ang mga inutos ng pangulo.

Inatasan nito ang mga field office ng DSWD na manatiling alerto at nakahanda para sa mga disaster response operation.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on