NI:ARCHIE LIAO
Hindi biro ang pinagdaanan ng award-winning actor na si Elijah Canlas sa paggawa ng horror movie na Livescream na palabas na sa Vivamax Plus simula sa Nobyembre 9.
Physically tiring at emotionally draining daw para sa kanya ang torture scenes ng kanyang karakter na si ExO.
Gayunpaman, na-enjoy raw naman niya ang proseso dahil siya man ay fan ng horror films tulad ng Evil Dead at Saw.
Bilang Gen-Z,nakaka-relate rin daw siya sa tema ng pelikula tungkol sa cancel culture at kung ano ang kaibahan ng social media sa totoong buhay.
As an actor, privileged din daw siya na naging kasangkapan siya para matalakay ang mga paksang ito sa kanilang pelikula.
Tungkol naman sa kanyang butt exposure sa nasabing slasher movie, it took sometime raw para makumbinsi siya ni Direk Perci na gawin ang naturang eksena.
Na-conscious daw kasi siya dahil may balat siya sa puwet.
Hirit pa niya, ang Livescream daw ang itinuturing niyang boldest movie na nagawa niya.
Sa tanong naman, kung willing siyang mag- frontal o mas maging mapangahas sa kanyang mga susunod na proyekto, hindi raw niya isinasara ang sarili sa ganoong mga posibilidad.
“Depende sa materyal. If it’s something that excites me or something that will challenge me or something new at importante siya sa mensahe ng pelikula. As actors,we’re also storytellers. We’re just devices to tell the story. Kung bossing po namin ang direktor and if this is the way he wants to present the story at kailangan siyang gawin and you really signed up for it, then you have to commit to it, ” ani Elijah.
Mula sa direksyon ng award-winning director at producer na si Perci Intalan, tampok din sa pelikula sina Phoebe Walker, Lucky Mercado, Kat Dovey, Bob Jbelli at maraming iba pa.