WebClick Tracer

SPORTS

Kai Sotto, Angelo Kouame didribol kontra Jordan, Saudi

PAMUMUNUAN ni Kai Zachary Sotto at Angelo Kouame ang 20-man pool ng Gilas Pilipinas para sa darating na FIBA 5th window.

Inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang 20-man pool na isusumite sa organizers bago ang Oktubre 31 kung saan nagpasya ang pamunuan ng Gilas na isama sina 7-foot-3 center Kai at naturalized player Kouame sa koponan para sa nalalapit nitong pagsabak sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ang 20-anyos na si Sotto ay pinayagan ng pinaglalaruan nitong Adelaide 36ers sa National Basketball League Australia makabalik sa Pilipinas matapos na magpahinga ang liga dahil sa nakatakdang lumaban ang pambansa nitong koponan na Boomers sa ginaganap ding sariling qualifers.

Si Kouame ay naglalaro para sa Ateneo Blue Eagles sa UAAP.

Ang naturalized player ng koponan ay nagsimulang maglaro sa Gilas Pilipinas nakaraang taon at inaasahang makakatulong para palakasin ang Gilas.

Maglalaro sa labas ng bansa sa fifth window ang Gilas kontra Jordan sa Nobyembre 10 na susundan ng laro kontra Saudi sa Nobyembre 13. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on