WebClick Tracer

SPORTS

Marian Jade Capadocia hahambalusin bagong korona

PAREHONG may misyon sina top favorite Marian Jade Capadocia at Jenaila Rose Prulla sa 39th Philippine Columbian Association Open Tennis Championships na ginanaganap sa Plaza Dilao indoor shell court sa Paco.

Subalit isa lang sa kanila ang matutupad ang pangarap dahil sila ang magkatapat sa finals sa women’s singles event na papalo ngayong alas-10 ng umaga.

Pakay ni 27-year-old at two-time Southeast Asian Games bronze medalist Capadocia na sungkitin ang pang-walong korona sa paglalaro ng tennis.

Nasa kukote naman ni second seed Prulla na rebansehan si Capadocia na minsan na niyang nakaharap sa finals may tatlong taon na ang nakakalipas.

Ayon kay Capadocia, ibang Prulla ang kanyang makakalaban, dahil mas malakas at eksperyensado kumpara nang una silang maglaban.

“Prulla is a little bigger now and she’s obviously younger,” saad ni Capadocia. “I hope to play extra careful.”

Samantala hahamigin ng magkakampeon sa women’s singles ang P100,000 sa event na suportado ng GAC Motors, GIMACA Convenience Store and Development Corp., Ourzen Chicken, HEAD, Ms. Rina Caniza, Mr. Benito Tan, Primo Dept Fuel Station, Kaizan Steel Trading, Cazneau, Inc. at Knaut Art Glass. (Elech Dawa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on