WebClick Tracer

NEWS

NCR, ilang karatig lugar hinambalos ng bagyo

Kabilang ang Metro Manila at ilang karatig-lugar ang hinagupit ng Severe Tropical Storm Paeng.

Sa 5:00 pm na weather bulletin ng Pagasa, sinabi nito na nasa San Juan, Batangas ang bagyo taglay ang lakas ng hangin na 95kph, bugso na 130kph at kumikilos sa bilis na 20kph.

Wala pang 24 oras ay 4 na beses nang nag-landfall si Paeng bago ito tumungo sa Cavite-Metro Manila-Bataan Peninsula area sa Sabado ng gabi.

Nanatiling nakataas ang Signal No 3 sa Metro Manila kung saan ilang lugar na rin ang binaha at ilang pasahero at motorista ang stranded. May mga puno ring nagbagsakan dala ng hangin.

Namimiligro na ring umapaw ang Marikina River na nasa ikalawang alarma na sa bagyong Paeng.

Bunsod na rin ito sa pagtaas ng lebel ng tubig sa nasabing ilog sa 16.2 metro, ayon sa anunsyo ng Marikina City public information office, kahapon ng hapon.

Bunga ng senaryo ay kinailangan nang buksan ang lahat ng walong gate ng Manggahan Floodway.

Nauna rito, kahapon ng tanghali ay naglabas na rin ng Red Rainfall Warning ang PAGASA sa Metro Manila at karatig-lalawigan sa malakas na ulang hatid ng bagyong Paeng. (Tina Mendoza/Kiko Cueto)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on