WebClick Tracer

NEWS

Sapol ng COVID sumampa sa 4 milyon – DOH

Umabot na sa mahigit apat na milyon ang tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon sa COVID-19 tracker ng Department of Health (DOH), pumalo na sa 4,003,459 ang mga naitalang kaso ng coronavirus sa bansa matapos madagdagan ng 1,370 pa nitong Linggo, Oktubre 30.

Samantala, mahigit 3.9 milyon na ang gumaling habang mahigit 64,000 ang nasawi sa coronavirus sa buong bansa.

Sa kasalukuyan, 20,824 katao na lamang ang ginagamot sa sakit. (Issa Santiago)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on