WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

14 delivery rider kinana ng scammer

Nagbabala ang mga awtoridad sa Davao City laban sa mga scammer matapos na mabiktima ang 14 na delivery rider na inorderan ng pagkain subalit nadiskubreng sa iisang bahay lang pala ihahatid at itinanggi naman ito ng nakatira sa pinagdalhang address.

Nangyari ito sa mga rider ng Grab at Food Panda sa Davao City matapos na 14 sa kanila ang nabiktima ng mga fake order mula sa isang dummy account at ipinadala ito sa iisang address.

Sa Facebook post ng isang MCris Cerna Rebolos, nagulat siya ng sunod-sunod na dumating sa kanilang bahay sa Bucana, Davao City ang mga food delivery rider dahil sa kung ano-anong order ng pagkain na n aka address sa kanila.

Ayon kay Rebolos, pitong magkakaibang order mula sa isang `Jennyvie Santos’ na may mobile number na 09534694423 ang dumating sa kanyang bahay nitong Nobyembre 6, na aabot sa P8,500.

Ilang order pa mula sa Grab at Foodpanda riders na nagmula naman sa account name ng isang `Jenica del Rosario’ ang magkakasunod na dumating din sa kanyang bahay makalipas ang ilang minuto.

Itinanggi ni Rebolos na kanya ang mga order at sinabihan na lang nito ang mga rider na pasensya na dahil wala naman siyang ganoong pera para palitan ang mga ginastos nila sa delivery.

Samantala, hinimok ni Davao City Anti-Scam Unit chief Siplicio Sagarrino ang mga nabiktimang rider na mag-report sa kanilang tanggapan o sa lokal na pulisya para sa posibleng pagbabalik ng halaga ng pera na na-scam sa kanila. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID