WebClick Tracer

METRO

Mag-asawa dedo habang nagba-vlog sa motor

Nakuhanan pa ng video ng mag-asawang motovlogger ang kanilang kamatayan nang maaksidente sa kurbadang bahagi ng Marilaque Highway sa Tanay, Rizal nitong Linggo ng gabi, Nobyembre 13.

Nasawi sa insidente ang mag-asawang na sina Jhogg Algoso at Paula Judi Nangyo Algoso.

Nag-viral pa ang YouTube video kung saan kuhang-kuha ng dashcam ang mabilis na pagdating ng motorsiklong sinasakyan ng mag-asawang vlogger.

Sa kumalat na video, tinatahak ng isang pick-up truck ang naturang highway na umano’y madalas magkaroon ng aksidente. Mabagal lamang ang takbo ng sasakyang may dashcam kaya kitang-kita ang pagdating ng humahagibis na kasalubong na motorsiklo.

Lumalabas na nabangga ng motorsiklo ang hulihang gilid ng sasakyang kumukuha ng video na naging dahilan ng pagsemplang ng unang motorsiklo. Pagbagsak ng motorsiklo, sumemplang din ang kasunod na motorsiklo.

Patay umano agad ang mag-asawang Algoso.

Kinumpirma na ng pamilya ang pagkamatay ng mag-asawang vlogger. Nakiusap pa ang mga ito na i-delete ang kumalat na video bilang respeto sa pamilya ng mga namatay.

Nabatid na bago naganap ang aksidente, nag-upload pa ng larawan sa Facebook si Paula kung saan magkasama silang mag-asawa. Nilagayan pa nito ng caption ang larawan na nagsasaad na: “Sunday ride! Keep us safe Lord!”

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID