WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Hustisya sigaw sa dalagitang natagpuang hubad na bangkay

Viral ngayon ang kalunos-lunos na sinapit ng isang dalagita na patay at hubo’t hubad na natagpuan sa madamong bahagi ng Barangay Gairan, Bogo City, Cebu noong Linggo, Nobyembre 13.

Kinilala ang biktima na si Jeanelle Maekylla Royos, 15, tomboy, Grade 10 student.

Sa classroom ni Royos, nagtirik ng kandila ang kanyang guro at mga kaklase sa Northern Cebu Colleges at humirit ng hustisya.

“All of us are praying for justice and peace in your soul,” anila.

Dumalo umano ang biktima kasama ang 19-anyos niyang girlfriend sa birthday party noong Nobyembre 11 at hatinggabi nang umuwi.

Sinabi ng nobya sabay silang umalis sa party at naghiwalay na pauwi ngunit mula noon ay hindi na nakontak ang biktima. (Issa Santiago)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID