Panibagong pagkilala sa kanyang husay bilang aktres ang nakamit ni Glaiza de Castro!
Nanalong Best Actress si Glaiza sa FACINE (Filipino Arts & Cinema, International) na isang taunang film festival sa San Francisco, California.
Medyo nakakagulat rin ang panalo ni Glaiza dahil kinilala siya sa pelikulang Liway na noong 2018 pa ginawa ni Glaiza.
Taong 2018 rin ni-release ang naturang indie film sa Cinemalaya.
Hindi raw makapaniwala si Glaiza, base na rin sa post niya sa kanyang Instagram account, na muli siyang nanalo bilang Best Actress para sa Liway.
“So I got these messages at around 2am here in Canada saying something about Liway getting awards.
“‘Di ko naintindihan agad then @kipoebanda told me that I just won another award. Huwatttt.
“Maraming salamat @facinefilmfestival.
“It’s an honor po knowing that the winners were selected by an esteemed panel of three jury members: Film scholar, critic, author JB Capino, Indonesian film scholar, curator Gaston Soehadi and film and theater actor, academic Sunita Mukhi.
“Mahuhay ang pelikulang Pilipino,” masayang post pa ni Glaiza sa kanyang IG account.
Nagwagi rin ang Liway ng Gold Award for Best Film, Best Direction, Best Screenplay, Best Male Performance in a Lead Role (Kenken Nuyad), at Best Male Performance in a Secondary Role na napanalunan naman ni Dominic Roco.
Nasungkit naman ng cinematography ng Liway ang Silver Award.
Ang FACINE ay ang oldest Filipino film festival in the US, ayon sa Liway director na si Kip Oebanda.
Photo courtesy of Glaiza De Castro – FB
Ni Rommel Gonzales