WebClick Tracer

METRO

Indian ninakawan ng P4M, anak niluray

Ninakawan na ng P4M cash, minolestiya pa ng dalawang di nakilalang lalaki ang anak na batang babae ng isang Indian national sa loob ng tinitirhang condo unit sa Cubao, Quezon City, Huwebes ng madaling araw.

Sa report ng Cubao Police Station (PS 7), ng Quezon City Police District, naganap ang insidente bandang alas-tres hanggang alas-kuwatro ng madaling araw sa isang unit sa New York Mansion sa No. 84 Montreal St., Brgy. E. Rodriguez, Cubao.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PEMS Vivian Umpad, ng Women and Children Concern Section (DWCCS) ng PS 7, natutulog ang mag-ina nang magising ang Indian national nang sakalin siya ng isa sa dalawang suspek at binusalan ang kanyang bibig.

Hindi pa umano nakuntento ay sinaksak pa ang Bombay sa kaliwang dibdib kaya nawalan ito ng ulirat.

Dito ay minolestiya ang kanyang anak, nilimas ng mga suspek ang kanilang cash money na nasa P4,000,000 sa cabinet saka tumakas.

Bagamat may tama ng saksak sa dibdib ay tumawag ang Bombay sa mga guwardiya ng condo at ini-report ang sinapit.

Nagsasagawa ngayon ng follow-up operation ang mga awtoridad at inaalam kung may CCTV sa lugar. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on