WebClick Tracer

LIFESTYLE

Libreng ‘Dialysis Centers Para sa Bayan’ nilunsad

Sa gitna ng paglaganap ng chronic kidney disease (CKD) sa bansa, ikinasa ng mga barangay sa Quezon City ang public-private partnership project upang masigurong makakarating sa mga pasyente ang libre at state-of-the-art dialysis treatment.

Sa inisyatiba nina Quezon City Rep. Marvin Rillo at Councilor Imee Rillo, naikasa ng Barangay U.P. Campus at Doña Imelda ang memorandum of agreement (MOA) sa Passion Healthcare Philippines Inc. para sa implementasyon ng Dialysis Centers Para Sa Bayan.

“We are absolutely determined to improve the quality of life of CKD patients, and we want them to enjoy longer lives with their loved ones,” wika ni Rillo.

Aniya, layunin ng proyekto na mapagkalooban ang mga indigent o kapuspalad na pasyente ng libreng dialysis treatment.

“We find it unacceptable that many poor Filipinos living with CKD are dying early simply because to their inability to pay for costly dialysis treatment,” ani Rillo.

Sa nilagdaang MOA nitong Huwebes, tinitiyak dito ang pagpapagawa, instalasyon, operasyon at maintenance ng modern at lisyensiyadong dialysis center kung saan ang CKD patients ay makatatanggap ng dialysis treatment na walang bayad.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID