WebClick Tracer

OPINION

Yamashita treasure

Muli na namang nabuhay ang usapin hinggil sa Yamashita treasure matapos isiwalat ni Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na ito ang pakay ni suspended BuCor chief Gerald Bantag kaya naghukay ng malalim sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) compound sa Muntinlupa City.

“By the way, that was supposed to be a treasure hunt for Yamashita treasure. Originally. I was told by Director General Bantag about it. And I told him to stop it. I told him to stop it,” wika ni Remulla sa ambush interview nitong Biyernes.

Ayon pa sa kalihim, katawa-tawa ang ginawang pagpapahukay ni Bantag sa NBP compound dahil tinalaga siya sa BuCor para bantayan ang mga preso at hindi para maghanap ng umano’y nakabaon na kayamanan.

“Hindi kasi, ridiculous nga. Saka you’re just wasting government time and money, ‘di ba? Hindi ko alam kung government time and money ang ginamit niya pero ridiculous para sa akin,” diin ng kalihim.

Sa mga nakalipas na araw ay marami nang sumingaw na istorya tungkol sa nasabing hukay. Una ay sinasabing tunnel daw ito na magdudugtong sa official residence ng BuCor chief. Itinanggi naman ito ni Bantag at sinabing nagpapagawa raw siya ng swimming pool upang doon mag-scuba diving.

Ngayon, isiniwalat naman ni Remulla na ang ibinaong kayamanan daw ni General Tomoyuki Yamashita ang hinahanap doon ni Bantag.

Nalilito na ang taumbayan kung ano ba talaga ang totoo sa pakay ng paghuhukay sa Bilibid.

Matagal nang usap-usapan ang Yamashita Treasure pero wala pa yata tayong nababalitaan na may nakakuha na nito. Marahil nga ay mayroon dahil kung mahuhukay mo ito, alangan namang i-broadcast mo pa ito sa publiko?

Pati nga ang malapit kong kamag-anak, nasilaw din sa umano’y yaman ni Yamashita kaya naghukay sa isang bahagi sa Northern Luzon. Mantakin mo ba namang nakakuha pa siya ng pribadong kompanyang nag-finance sa proyekto.

Pero matapos ang higit isang taon na paghahanap, luhaan din ito. Nasayang ang isang taon sa paghahangad na maging milyonaryo sa ‘Pinas.

Hindi naman natin kailangan ng Yamashita Treasure para yumaman, ang kailangan lang ay sipag at tiyaga para makamit ito. Tanungin nyo pa ang bilyonaryo at brown taipan na si Manny Villar.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID