WebClick Tracer

LIFESTYLE

Dinalaw ng hugis-taong liwanag

Mga ka-Misteryo kung may mga taong nakakakita ng itim na aninong nakatayo sa kanilang silid-tulugan o sumusunod sa kanila sa paglalakad, kakaiba naman ang karanasan ni Carl ng Morayta na nakakita ng hugis-taong liwanag.

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteruo, Alamin natin ang totoo!”

Si Carl ay dis-oras na ng gabi kung makauwi at nasorpresa sa dumating na bisita sa kanilang bahay. Isang hugis-taong liwanag.

Bagaman hindi masyadong maliwanag ay nakikita niya itong palipat-lipat sa loob ng kanilang bahay.”

Misteryo: “Ilang beses mo itong nakita at meron ka bang komunikasyon sa kanya kung ano siya? Kung sino siya?”

Carl: “Nakita ko siya simula nitong Undas tapos lagi ko siya napapansin sa gilid ng mga mata ko.”

Misteryo: “Sabi mo maliwanag siya? Gaano kaliwanag? Paano yung liwanag na galing sa kanya? “

Carl: “Yung light niya parang yellowish alam mo yung night mode na light na hindi masakit sa mata na light. Human-shape yung light pero hindi ko malaman kung male o female siya. Walang sinasabi at wala rin ako naririnig. May mga bigla lang ako naiisip na words kapag gusto ko magsalita o kausapi siya. Not sure kung ito ba ang tinatawag na telepathy. Mabilis kumilos kung lilipat siya from a place to another.”

Misteryo: “Heto ano ang vibes mo sa kanya? Good or bad?”

Carl: “I think both. He can be good or bad? Alam mo yung kung sasaktan mo siguro siya hostile siya pero kung friend ay friend ka din niya based sa obserbasyon ko sa kanya.”

Misteryo: “Sa palagay mo ano kayang entity siya? Ghost ba siya? Angel? Elemental o Ekstra-Terestriyal?”

Carl: “Good question hindi ko rin masasagot yan maybe tignan ko pa observe ko muna pero Definitely wala namang threat sa amin.”

May mga ganito nang encounter na tinatawag na light beings. Ayon sa mga eksperto ang mga ito ay divine beings at nakikipag-communicate sa tao kung may mahalagang mensahe Ang light beings ay maaaring mga anghel o enlightened beings.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa misteryophilhet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID