WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Rider na babaeng guro nabulaga sa askal, todas

Nasawi ang isang 40-anyos na babaeng guro nang sumemplang ang motorsiklo nito dahil sa asong biglang tumawid sa kalsada sa Barangay Culianan, Zamboanga City kamakalawa ng hapon.

Idineklarang patay na matapos isugod sa Mindanao Sanitarium Hospital dahil sa tinamong pinsala sa ulo ang biktima na nakilalang si Maricel Alviar Rojas, guro sa Lapakan Elementary School at nakatira sa nasabing lungsod.

Sa ulat na ipinadala ni Major Shellamie Chang, tagapagsalita ng Police Regional Office 9, naganap ang aksidente dakong alas-3:30 ng hapon sa kahabaan ng MCLL Highway sakop ng Zone I, Barangay Culianan.

Sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima patungo ng city proper subalit pagdating sa nabanggit na lugar ay bigla na lang tumawid ang isang aso. Hindi na naiwasan ng biktima ang aso at nasagasaan ito.

Nawalan naman ng balanse sa kanyang motorsiklo ang biktima at natumba ito. Humampas ang ulo ng biktima sa sementadong kalsada. Hindi sinabi sa ulat kung may helmet ang biktima o wala.

Ilang residenteng nakasaksi sa pangyayari ang nagdala sa kanya sa pagamutan pero hindi na umabot ng buhay. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID