WebClick Tracer

OPINION

Tanggalin lahat ng confi, intel funds sa mga civilian agency

Tinapos na ng Senado nitong Biyernes ang budget deliberation ng panukalang P5.268 trilyong national budget para sa taong 2023.

At sa susunod na linggo, sisimulan na ng Senado ang committee and individual at amendments ng General Appropriations Bill o GAB.

Sa nakalipas na dalawang linggo ng debate sa plenaryo, pinakamainit na tinalakay ang confidential and intelligence funds (CFIs) ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Kabilang na nasa Office of the President at Office of the Vice President may may pinakamalaking hinihiling na panukalang pondo para sa kanilang CIFs. Ang OP ay humirit ng P4.5 bilyong CIFs habang ang OVP naman P500 milyon.

Siyempre, suportado ng ilang kaalyadong senador ng Palasyo ang hirit ng confidential at intelligence funds ng dalawang matataas na opisyal ng bansa. Pero ang minority senators, kontra dito.

Sa period of amendments, nangako ang minority senators na sina Koko Pimemtel at Risa Hontiveros na haharangin nila ito. Pangako pa ni Pimentel, ipapatanggal niya ang CIFs sa lahat ng civilian government agencies para sa susunod na taon.

Magagawa kaya ng minority senators? Tingnan natin. Pwede naman silang maghain ng mosyon na alisin ang lahat ng confidential at intelligence funds na ilang ahensiya ng gobyerno. Iyong nga lang dadalawa lang sila at kung magbotohan sa plenaryo, daig na sila na mayorya na kaalyado ng Palasyo.

Kung matatanggal nga naman ang CIFs ng ilang ahensiya ng gobyerno, pwede itong ma-realign sa mga ahensiya na may maliliit at kiulang na pondo. Pwede ring gamiting pambigay ng ayuda sa mga senior citizen o gamitin para sa pagpapatayo ng mga silid-aralan at iba pa.

Bukod sa P500 CIF ng OVP, pursigido din si Pimentel na tanggalin ang P150 milyong confidential funds ng Department of Education DepEd) na pinamumunuan ng VP Sara Duterte.

Bakit nga naman kasi hihirit ng confidential funds ang DepEd. Sa mga nagdaang taon kaso wala naman sila niya pero ngayon gusto nilang magkaroon sa ilalim ng 2023 national budget.

Hindi na magandang praktis ito. Kasi nga naman kung pagbibigyan, baka sa susunod na taon, maraming mga ahensiya ng gobyerno ang maggayahan at humirit din ng CIFs.

Kailangan ba talaga niya yan? Bakit hindi na lang nila ipaubaya sa mga law enforcement agency ang CIFs? Kung tutuusin ang pag-iiimbestiga at surveillance ay nasa kanilang mandato.

Maliban kasi sa OP, OVP, DepEd at Office of Solicitor Genral, may 2`1 pang mga tanggapan ng gobyerno ang humihiling na confidential at intelligence funds para sa susunod na taon.

Kabilang dito ang Office of the President, DENR, DOF, Bureau of Customs, BIR, DFA, DOJ, BI, DSWD, ERC, DSWD, COA, CHR at Ombudsman na pawang mga civilian agency at maraming pang iba.

Sa kabuuhan, sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA), aabot sa P 9.8 bilyon ang total na CIFs na hiniling ng mga 31 tanggapan ng pamalaan. Sobrang laki di ba?

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID