WebClick Tracer

LIFESTYLE

Top 4 nakakamanghang kweba sa ‘Pinas

Hindi alang kilala ang Pilipinas sa mga mala-paraisong beach kundi maging sa mga nakakamanghang kweba rin, kaya naman, ito na ang lima sa mga nanggagandahang kweba sa bansa.

Una na rito, ay ang Puerto Princesa Underground River na matatagpuan sa Palawan. Ito rin ang itinuturing na ‘longest cave’ sa bansa na may habang 8.2 kilometer. Kinilala din ito ng UNESCO World Heritage Sites in the Philippines noong 1999.

Makikita naman dito ang mga nakakamanghang limestone karst mountain landscapes, iba’t ibang variety ng ibon, paniki, reptile, palaka, dugong, at marami pang iba. Bukod dito, available rin sa lugar ang mga eco-adventure activities.

Pangalawa, ay ang Calbiga Cave o kilala rin bilang Langun-Gobingob Caves na matatagpuan sa Eastern Samar. Mapapabilib ka naman sa naglalakihang rock formation dito at siyempre iba’t ibang uri rin ng mga hayop.

Sunod, ay ang Sumaging-Latipan-Lomyang Crystal Cave na matatagpuan naman sa Sagada, Baguio. May vertical range itong 163 meters. Itinuturing naman itong isa sa mga top tourist spot sa kanilang lugar.

Ilan sa mga ipinagmamalaki nilang rock formations ay ang “The Curtain”, “King and Queen”, “The Serpent”, at iba pa.

Inirerekomenda naman ang pagsusuot ng activewear at pagtatapak kapag papasok sa kwebang ito dahil lalangoy ka sa underwater lake, dadaan sa mga bato, at gagapang sa mga makikitid na passageways.

At pang-apat, ay ang Tabon Caves na sa Palawan din ang lokasyon. Madalas natin itong naririnig sa ilang mga aralin natin noong elementarya dahil sa historical value nito. Napabiling rin ito sa UNESCO World Heritage Site noong 2006.

Dagdag pa rito, naging popular din ang lugar na ito dahil sa mga pinaniniwalaang fossil remains na natagpuan sa loob nito.

Hindi lang hitik sa ganda kundi pati na rin sa makasaysayang mga kwento na kalakip ng mga cave na ito. (Moises Caleon)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID