WebClick Tracer

OPINION

City hall pinatigil renobasyon ng bahay

Magandang araw po Atty. Claire,

Ako po ay 73 y/o na gulang., may-asawa at 7 anak at isang informal settler. Nitong September 2022 po ay sinimulan naming ipagawa ang aming 3-storey bahay dahil ito ay bulok na at hindi na rin ligtas tirahan.. Itong Oktubre ay may dumating kaming sulat mula sa City hall na ang order ay kumuha ng building permit. Pumunta kami doon para ipaliwanag ang side namin na kami ay informal settler at kailangan ng ipagawa ang bahay at ang sabi ay antayin nalang ang sulat.

Subalit itong October 17, 2022 ay nakatanggap kami ng sulat na pinapahinto ang pagpapagawa ng bahay namin Bakit po kaya kami lang pinapahinto samantalang ‘yang ibang kasabay namin ay hindi pinapahinto. Sabi sa amin ay wala daw kasing nagrereklamo sa iba at kami lang ang nirereklamo.
Salamat po,

Nancy

Mrs. Nancy,

Nakakalungkot lang na nais ninyo sanang sundin ang patakaran at mga sinasabi sa batas pero may pagkakataon kasi na kahit gustuhin ninyo ay hindi pa rin pinapayagan dahil ito ay laban sa batas o ordinansa. Tulad ng nais ninyong pagpapagawa ng bahay na tinutulan naman ng Building Official sa inzong loka na pamahalaan dahil ang pagpapatayo ng anumang istruktura ng walang building permit ay ipanagbabawal ng batas. Ayon sa PD 1096 s. of 1977
Section 213. Penal Provisions.

It shall be unlawful for any person, firm or corporation, to erect, construct, enlarge, alter, repair, move, improve, remove, convert, demolish, equip, use, occupy, or maintain any building or structure or cause the same to be done contrary to or in violation of any provision of this Code.

Any person, firm or corporation who shall violate any of the provisions of this Code and/or commit any act hereby declared to be unlawful shall upon conviction, be punished by a fine of not more than twenty thousand pesos or by imprisonment of not more than two years or by both such fine and imprisonment: Provided, that in the case of a corporation firm, partnership or association, the penalty shall be imposed upon its officials responsible for such violation and in case the guilty party is an alien, he shall immediately be deported after payment of the fine and/or service of his sentence.

Ngunit hindi naman kayo mabibigyan ng building permit kung wala kayong rights sa lupa o wala kayong anumang auhtorization o permission mula sa tunay na may ari ng lupa. Ang pagpapatupad ng Building Official sa inyong lungsod o munisipyo ay naayon naman ngunit ang mali lamang sa kanila ay ang pagpili kung sino ang papahintuin at sino ang pinapayagan kahit walang requirements na sinusumite sa kanilang opisina.

Kung hindi magkakasundo ay dapat nang dalhin sa korte ang usapin para ito ay ma settle. Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel Batas with Atty. Claire Castro. Subaybayin din po ninyo ang Asintado sa Abante Tabloidista (Facebook and Youtube)) tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 5:00 PM kung saan maaari kayong dumulog para sa inyong problema at mabigyan ng tugon sa abot ng aming makakaya.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID