WebClick Tracer

LIFESTYLE

Regalo sa sarili

Kung minsan, akala natin ay imortal tayo. Lalo na kung tayo ay nasa peak ng edad natin. Tayo ay malakas, maayos, at mukhang walang problema, lalong lalo na sa ating kalusugan. Iba’t iba ang iniisip at at hindi inaalala ang sarili.

Mabuti kung ang trabaho ay nangangailangan ng annual physical check-up. Ngunit paano na lang kung hindi mandato at kusa lamang natin gagawin ito? Magkakaroon kaya ng panahon para dito? Maaalala kayang dapat din alagaan ang sarili at siguruhing ligtas sa sakit? May iba na nagsasabi na ayaw nilang malaman na sila ay may sakit. Hindi ba mas maganda na kung talagang may sakit ay malaman ng maaga dahil kadalasan ay maaagapan ang karamihan na sakit. Kaya nga tinawag na annual physical examination. Kung hindi maalala kung kailan gawin, bakit hindi gawin sa linggo ng kaarawan. Kung mayroon isang araw na hindi natin makakalimutan ay ang ating birthday. Gawin nating regalo sa ating sarili na siguruhung healthy tayo. Hindi lang ito para sa atin, kundi para sa ating pamilya at mga mahal sa buhay. Kung sakaling magpapatingin tayo sa ating mga doktor, ang mga sumusunod ang maaaring ipagawa sa atin.

Ang una na eksaminasyon ay sa dugo. Madami na tayong malalaman dito. Nandyaan ang blood counts para malaman kung may anemia, at kung may impeksyon, mapa bakterya o virus. Kasama din ang mga kundisyon sa metabolismo, ang diabetes, pagtaas ng cholesterol, triglycerides, at uric acid. Malalaman din ang kundisyon ng ibang organo tulad ng kidneys, at atay, pati ang thyroid. Nakikita din ang kalagayan ng electrolytes at mineral tulad ng calcium. Maliban sa dugo, kasama din ang pageksamin sa ihi at dumi para makita ang iba pang kudisyon, kasama ang impeksyon dahil sa parasitiko.

Mayroon din mga makina na kakailanganin. Mga halimbawa nito ay ang ECG para sa puso, at pwedeng dagdagan ng 2d echo at stress test. Ang x-ray naman para makita ang baga. Malaman kung may nakakahawang sakit. Pwede din idagdag ang ilan na eksaminasyon, tulad ng ultrasound at endoscopies. Para makita ang daanan ng pagkain natin, hanggang sa mailabas natin ang toxins na kasama sa dumi. Pwede din idagdag ang konsulta sa iba’t ibang spesyalista, lalo na kung may family history ng ibang sakit.

Hindi naman kinakailangan gawin ang lahat ng ito. Mayroong mag basic lamang na kinakailangan. Ngunit habang nagkakaedad, mas dumadami ang mga ipagagawa. Hindi dapat isipin na ang annual physical check-up ay isang perwisyo at hadlang sa schedule natin sa maghapon o linggo. Mas alalahanin natin na iisa lang ang ating katawan kaya bigyan natin ng importansya at alagaan natin ng mabuti.

Hanggang sa susunod na Martes! Keep healthy! Stay safe! Sundin ang minimum health requirements! Magpabooster!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 at IZTV 23 tuwing linggo 11am-12nn at Kapitbahay sa DZEC1062 tuwing huwebes 1pm) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID