WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

50 sa BIFF sumuko

Nasa 50 dating miyembro ng violent extremists (FVEs) ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Sultan Kudarat ang nagbalik-loob sa pamahalaan kamakailan.

Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr. sa ilalim na rin ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.

“The government under President Ferdinand R. Marcos, Jr. remains committed in its peace and order initiatives,” ayon kay Abalos.

Kaugnay nito, tiniyak ni Abalos sa mga naturang FVEs na patuloy silang tutulungan ng pamahalaan sa kanilang integration process.

Aniya, ang lahat ng naturang 50 FVE surrenderers, matapos ang proper documentation, ay maaari nang tumanggap ng suporta mula sa pamahalaan sa ilalim ng E-CLIP initiative. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID