WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Kelot niratrat na, nalitson pa sa SUV

Dobleng kamatayan ang sinapit ng isang lalaki matapos pagbabarilin at masunog pa sa loob ng kanyang sports utility vehicle (SUV) Linggo ng hapon sa Roxas City, Capiz.

Wala ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa katawan at mga sunog sa katawan nang makuha sa kanyang Land Cruiser ang biktima na si John Arania Fria, 26, residente ng Barangay Banica, Roxas City.

Sa ulat ng Roxas City PNP, binabaybay ng biktima lulan ng kanyang sasakyan ang Barangay Inzo Arnaldo ng nasbaing lungsod nang pagsapit nito sa kanto ng Mabini St. at Mejorada Subdivision ay pinagbabaril ito ng hindi kilalang suspek.

Nagawa pang imaniobra ni Fria ang sasakyan subalit bumangga ito sa pader kayat lumikha ng apoy sa makina at kumalat habang nasa loob ng sasakyan ang biktima, ayon sa isinagawang imbestigasyon.

Umabot pa ng ilang minuto bago nakaresponde ang mga pamatay-sunog at matapos na maapula ang apoy ay wala ng buhay ang biktima sa loob ng kanyang sasakyan.

Bukod sa mga tama ng bala ng kalibre .45 baril ay nagtamo din ng sunog sa katawan ang biktima.

Bago ang pananambang, naihatid pa umano ng biktima ang kanyang kinakasama bago ito sinundan ng mga suspek at pagbabarilin.

Narekober sa crime scene ang 3 bala ng kalibre .45 caliber at cellphone ng biktima na siyang daan sa pagkilala sa kanya.

Tatlong anggulo ang sinusundan ngayon ng otoridad, away sa lupa dahil sa right of way, personal grudge at pagkakadawit nito sa isang pamamaril na mariing Itinanggi ng pamilya.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa ikalilinaw ng kaso at sa posibleng pagdakip sa mga suspek. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID