WebClick Tracer

OPINION

MMDA magluluwag sa mga traffic violator

Nakakagulat naman ang naging pahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ito ng pagluluwag sa paglabag sa batas trapiko sa mga lansangan dito sa buong Metro Manila.

Ayon sa magluluwag daw ito sa mga lalabag sa batas trapiko tulad ng swerving upang maibsan ang inaasahang pagsisikip ng trapiko ngayong Christmas season.

Naglabas ng direktiba si MMDA chairman Romando Artes sa kaniyang mga traffic enforcers na pagtuunan ng pansin ang pagmando sa trapiko sa halip na mang-aresto aa mga minor violations.

Hindi na dapat pang isinapubliko ni Artes ang kaniyang derektiba dahil lumilitaw na kukunsintihin ng MMDA ang mga traffic violators.

Ang swerving ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit nagkakabuhol-buhol ang trapiko sa Metro Manila lalo na ang mga pampasaherong sasakyan.

Ang pinakamainam na gawin ng MMDA ay kung nais nila na tumino ang trapiko sa Metro Manila ay ipatupad ng tama ang batas trapiko.

Isang ehemplo dito ay ang ilang traffic enforcers ng MMDA ay madalas na mag- istambay sa mga lugar na nakakubli pero biglang lalabas kapag may lumabag sa batas trapiko.

Itong mga ganitong traffic enforcer ang dapat na sampolan ni Chairman Artes at mapatawan ng parusa.

Dapat ay itanim sa isip ng mga traffics enforcers ng MMDA na ang pangunahing tungkulin ng mga ito ay isaayos ang pagmamando sa trapiko at tiyakin na disiplinado ang mga tsuper pribado man o pampublikong sasakyan.

Hindi na kailangan pang isapubliko ng MMDA ang pagluluwag sa paghuli sa mga traffic violators dahil maaring magbigay ito ng kalituhan at ang mga pasaway na motorista ay magsamantala pa dito.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID