WebClick Tracer

METRO

Vhong inalok ng P5M palit-laya

Isang emisaryo ang nag-alok diumano sa tv host-actor na si Vhong Navarro ng kalayaan mula sa kinakaharap na kasong rape kapalit ng P5 milyong halaga subalit tinabla nito, ayon sa isang source na pamilyar sa nangyaring insidente.

Ginawa diumano ang alok kay Navarro bago pa man isinilbi ang arrest warrant laban sa kanya na inisyu ng Court of Appeals noong Setyembre 19, 2022.

“Bakit naman ako magbayad ng pera, wala naman akong ginawang masama sa kanila,” sabi umano ni Navarro sa isang taong malapit sa kanya subalit tumangging pabanggit ng pangalan para na rin sa seguridad niya.

Mula sa detention cell ng National Bureau of Investigation (NBI) ay inilipat na kahapon, Nobyembre 21, si Navarro sa Taguig City Jail batay na rin sa utos ng hukuman.

Sinabi pa ng source na natatakot si Navarro sa kanyang kaligtasan habang nasa loob ng bagong bilangguan kung kaya’t ipinagdasaral umano ng tv host-actor na malayo siya sa kapahamakan.

“He is scared for his safety, and is praying hard for protection. He does not know what to expect at his new detention cell,” wika ng source.

Naghain ng petition for bail si Navarro para sa kasong rape na isinampa laban sa kanya ni Deniece Cornejo.

Ayon sa source, hinihintay na lamang nila ang desisyon ng korte sa petisyon ni Navarro na makapaglagak ng piyansa makalipas ang ilang pagdinig ukol dito.

“Vhong, maintained his innocence and is not a flight risk. He is confident he will be granted bail,” dagdag pa ng source. (Nancy Carvajal)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on