WebClick Tracer

METRO

4 baka todas sa kagat ng aso

Apat na alagang baka ng isang negosyante ang natsugi matapos umanong makagat ng asong may rabies sa Peñaranda, Nueva Ecija.

Ayon sa ulat, lumabas sa ginawang pagsusuri ng Bureau of Animal Industry, na positibo sa rabies ang mga namatay na baka.

Dahil sa pagkakatumba ng apat na alaga, pinabakunahan na kontra rabies ang 300 pang baka na pag-aari ng negosyante.

Samantala, inaalam pa kung nasaan ang asong nakakagat sa mga nasawing baka at kung sino ang may-ari nito. (IS)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID