WebClick Tracer

SPORTS

Agaron mabilis 3-Year Old Maiden Race

Walang kahirap-hirap na sinungkit ni Agaron ang panalo sa 3-Year-Old Maiden Race Miyerkoles ng gabi sa Metro Manila Turf Club Inc. sa Malvar/Tanauan, Batangas.

May impresibong tiyempo siyang 1:12.6 minuto sa 1,200 meter race upang ibulsa ng winning horse owner na si LM Javier ang premyong P20K.

Nirendahan ni jockey AR Villegas, nagwagi si Agaron ng may pitong kabayong agwat sa sumegundang si Sakalam habang tumersero si Bohemian.

Pasok ang nasabing kaganapan sa pitong pakarera ng MMTCI. (Elech Dawa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID