WebClick Tracer

NEWS

Agri, DOH chief sinasala sa NBI, Ombudsman

Nag-iingat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtatalaga ng mga opisyal sa mga bakante pang puwesto ng gobyerno katulad ng Department of Agriculture (DA) at Department of Health (DOH), ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin.

Sagot ito ni Bersamin nang tanungin ni Senador Imee Marcos sa pagdinig ng Commission on Appointments (CA) tungkol sa mga pangunahing ahensya ng gobyerno tulad ng DOH na wala pa ring permanenteng kalihim.

Ayon kay Bersamin, sinasala niyang mabuti ang mga aplikante para sa mga bakante pang puwesto sa gobyerno upang hindi naman malagay sa kahihiyan ang pangulo kapag kalaunan may palpak pala sa mga itatalaga nito.

Binanggit ni Bersamin ang ilang kaso aniya kung saan may kaso sa korte ang mga itinalaga sa puwesto.

“Because we had these unfortunate experiences, very few, where the appointees were unworthy or turned out to have been charged in so many cases in the courts or administratively. That’s what we avoid because that embarrasses the President and the administration. The length of time that is added to this may not be much but the volume of the applicants simply must be so attended to,” paliwanag ni Bersamin.

Kung kaya’t isa aniya sa mga requirement ng kanyang tanggapan ay kailangang magsumite ang isang aplikante ng clearance mula sa National Bureau of Investigation (NBI). Ang mga aplikante naman na dating empleyado ng gobyerno ay kailangang magsumite ng clearance mula sa Civil Service Commission (CSC) at sa Office of the Ombudsman.

Aminado si Bersamin na isa aniya ito sa nagpapatagal ng proseso subalit kailangan nilang gawin upang hindi malagay sa kahihiyan ang pangulo sa mga itinatalaga nito sa gobyerno.

Samantala, inilahad din ni Bersamin na may ilang tao nang kinokonsidera ang pangulo para maging permanenteng kalihim ng DA.

“Actually, the president is seriously considering several people to appoint on a permanent basis or regular basis to represent or minister the DA portfolio. But, he has not yet signified to us that he is ready to announce his decision,” sabi ni Bersamin.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID