WebClick Tracer

SPORTS

Barcena, 17 pa sa Ho Chi Minh Marathon

Pangungunahan ni three-time World Marathon Majors campaigner Nhea Ann Barcena ang 18 pambato ng ‘Pinas na sasabak sa 5th Techcombank Ho Chi Minh City International Marathon 2022 sa Vietnam sa Dec. 11.

Pero dehins full-marathon ang tatakbuhin ng beterana ng 2022 London Marathon, 2021 Boston Marathon at 2019 Berlin Marathon, multi-titled runner at running coach (Prive Coaching PH), kundi half-marathon .

Kasama ni Barcena ng BGC, Taguig at Panukulan, Quezon sa 21K sina Christine Hallasgo, Ruffa Sorongon sa female category at sina Prince Joey Lee, Jimboy Lugay at Roy Laudit sa male category.

Mga bet natin sa 42.195K sina Judelyn Fann, Maricar Camacho at Stephanie Cadosale sa women’s fivision, at sina Bryan Quiamco, Jerald Zabal at Florencio Lapiz sa men’s side.

Kumukumpleto sa delegasyon ng bansa sina April Rose Diaz, Rosalyn Tadias at Jocelyn Elijeran, at sina Arlan Arbois, Jerome Casinillo at Richard Salaño na bibida sa 32K.

Nakuha nila ang mga karapatan na maging PH bet sa pagposte ng Top 3 best time sa nasabing mga distansya sa dalawang araw na 10th 7-Eleven Run 2022 nitong Sept. 24-25 sa Filinvest, Alabang, Muntinlupa, Cebu Business Park at SM City Davao Ecoland na nilahukan ng mahigit 37,000.

Good luck po sa ating PH delegation. Bring home the bacon!

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID