WebClick Tracer

SPORTS

Dapitan City swak sa 2023 IRONMAN race

Bonggang babalik ang IRONMAN races sa bagong normal sa susunod na taon na may kasaysayang dagdag sa bagong destinasyon para sa mga dayuhan at lokal na kalahok sa 5150 Dapitan sa Sept. 20, 2023.

Kilalang Shrine City of the Philippines, kinikilig ang makasaysayang Lungsod ng Dapitan sa paghahanda para sa unang pagkakaabalahang triathlon, nilatag na ang trabaho 11 buwan bago ang malaking kaganapan sa sports na kapapalooban ng 1.5km swim, 40km bike, 10km run race sa Zamboanga Peninsula.

“We are proud and happy to have the world-renowned Ironman 5150 Triathlon here in Dapitan on Sept. 10, 2023. It’s really something that we should all look forward to,” lahad ni Dapitan City Mayor Seth Ferederick ‘Bullet’ Jalosjos.

Pinahayag niya ang pagtataguyod sa short-distance racing sa welcome lunch na hinost para sa mga miyembro ng Lanao del Norte’s Tri SND Barracuda na sumabak sa katatapos na unang Mayor Bullet Jalosjos Triathlon Cup sa Dapitan Boulevard.

Nanguna sa Team Tri SND Barracuda sina team leader Ulwan Dimaporo at star athlete John Alcala, kapapanalo lang sa kafaraos lang ding IRONMAN 70.3 Puerto Princesa. Regular na kumakampaanya sa mga endurance racing na inoorganisa ng IRONMAN/Sunrise Events, Inc. ang nasabing kampo.

Magbubukas ang online listup sa Dec. 1, 2022. Sa mga detalya pa, bisitahin ang www.ironman.com.

“Putting up the 5150 race in the city of Dapitan isn’t only a breakthrough but also historic and we take pride in spearheading this project which will surely draw the veteran and rising triathletes in the local front and overseas.

“Triathlon is the kind of sport that we will not only support but also prioritize,” hirir pa ni Jalosjos.

“I am happy about this because we will promote not just Dapitan but also the whole of Mindanao. Through this we can showcase unity and harmonious relationship through sports which is really the goal of our athletes,” sey naman ni Dimaporo.

Para kay Alcala ang susunod na taong 5150 sa Dapitan ay isang paraan para mahikayat ang mga kabataan na magkainteres kasabay na mapasigla ang mabilis sumikat na tri-sport sa Asya.

“This event is what we really need to encourage and inspire the young ones to take up triathlon. I know there are a lot of talents out there. All that they’re waiting for is to get that needed drive and motivation,” bulalas Alcala, na sinorpresa ang elite field sa pagsikwat sa men’s overall crown sa IM 70.3 Puerto Princesa noong Nov. 13.

Dinagdag ni Dapitan Tourism Officer Apple Marie Agolong na gagawin nila ang lahat upang matupad ang lahat ng kailangang bagay para matugunan ang pamantayan ng The IRONMAN Group/Sunrise Events Inc.

“Dapitan 5150 Triathlon is now in the works. That’s the direction we’re headed to and we are very focused on that. Slowly but surely we are now putting everything in place. I’m very hopeful that we can pull it off because we have ample time to prepare and do what is expected of us,” sey niya. (Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID