WebClick Tracer

SPORTS

Devonn Scott, Beermen nilubak Terrafirma Dyip

STANDING
TEAM W L
Bay Area 10 2
Magnolia 8 2
Ginebra 7 2
Converge 8 3
NorthPort 6 5
SMB 5 5
Meralco 4 5
Phoenix 5 6
Rain or Shine 4 6
TNT 4 7
NLEX 3 7
Blackwater 3 8
Terrafirma 1 10

Mga laro ngayon (PhilSports Arena, Pasig)
3 pm – Blackwater vs Rain or Shine
5:45 pm – Ginebra vs NLEX

Sa unang pagkakataon sa nakalipas na 22 taon, nadesisyunan sa 28-plus points ang dalawang laro ng PBA sa iisang playdate.

Sa PhilSports Arena nitong Miyerkoles, unang niluray ng Bay Area ang TNT 140-108 sa likod ng 37 points ni Myles Powell at 30 pa ni Kobe Lam.

Angat sa 10-2 sa Commissioner’s Cup elims ang Dragons, naniguro na sa twice-to-beat bonus. Hihintayin na lang ng guest team ang puwestuhan nila sa No. 1 o No. 2.

Sa second game, nagsumite ng triple-double na 21 points, 19 rebounds at 11 assists si Devon Scott at pinasadsad din ng San Miguel Beer ang Terrafirma 131-103.

Ikinalat ni Jericho Cruz sa first three quarters ang 23 sa kanyang 25 points, nagbuhos ng 11 points sa third canto si June Mar Fajardo nang dumistansiya ang Beer 96-67.

Perpektong 6 for 6 sa 3-point range si Cruz, ayon kay chief statistician Fidel Mangonon III ay most 3s na walang mintis sapul nang kumana ng 8 for 8 si Von Pessumal ng SMB rin noong June 8, 2019.

Sa kanyang unang laro sa mahigit isang buwang pagkawala matapos operahan sa lalamunan, tumapos si Fajardo ng 20 points, 8 rebounds, 3 assists, tig-1 steal at block kontra 1 turnover sa loob ng 23 1/2 minutes off the bench.

Kumapit sa top 8 ang Beer sa 5-5 card.

Giniyahan ng 21 points ni Juami Tiongson ang Dyip (1-10) na nag-all-Filipino dahil nasa ilalim ng health and safety protocols si Lester Prosper.

Mga iskor:

Unang laro

Bay Area140 – Powell 37, Lam 30, Zhu 22, Zheng 16, Reid 10, Yang 9, Song 7, Blankley 3, Ju 2, Liu 0, Zhang 0, Liang 0.

TNT 108 – Mobley 38, Pogoy 16, Erram 16, Tungcab 13, M.Williams 11, Ogtana 9, Soyud 2, Ganuelas-Rosser 2, Marcelo 2, Khobuntin 0, K.Williams 0, Cruz 0, Heruela 0.

Quarters: 34-24, 80-60, 109-82, 140-108.

Pangalawang laro

SMB 131 – Cruz 25, Scott 21, Fajardo 20, Manuel 19, Perez 12, Zzamar 8, Enciso 5, Herndon 5, Ross 4, Brondial 4, Faundo 2, Lassiter 1.

Terrafirma 103 – Tiongson 28, Gomez de Liano 17, Mina 15, Ramos 8, Munzon 8, Camson 7, Javelona 6, Gabayni 5, Alolino 4, Balagasay 3, Grospe 2, Cahilig 0.

Quarters: 29-19, 63-38, 96-67, 131-103. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID