WebClick Tracer

SPORTS

Ivan Manila, Mica Emana patok sa PPS-PEPP Brookside netfest

Bibidahan nina Ivan Manila at Mica Emana ang may 150 kabataang aasinta ng walong pangunahing karangalan at ranking points pagdako ng national juniors tennis sa Cainta, Rizal sa pagsiklab ngayong Huwebes ng PPS-PEPP Brookside Open sa Brookside Hills Tennis Club clay courts.

Inaasahang mahigpit na karibal ni Manila si Alfonso Infante sa boys’ premier division samantalang si Emana ang kapatid niyang si Kaye-Ann para sa korona ng girls’ 18-U side ng Group 1 tourney na hatid ng Dunlop, at nagsisilbing pampainit sa susunod na linggong Brookside Open ng nangunguna at sumisikat na mga tenista ng bansa.

Sa mga detale pa, kontakin si event organizer Bobby Mangunay sa 0915 404 6464.

Ang magkuyang sina France at Frank Dilao ang mga malalakas sa 16-U title kasama ang nagwagi sa nakaraang linggong PCA Juniors 14-U na si Reign Maravilla, Manila, sina Tristan Licayan, Samuel Davila, Yusuf Burahan at Joshua Diva.

Rambulan sina Hannah Divinagracia, Sandra Bautista, Joy Ansay at Chloe Mercado sa girls’ 16-U trophy sa week-long netfest, na bahagi nang matatagal ng naghahanap na talento sa bansa na binuo ni Palawan Pawnshop president/CEO Bobby Castro.

Mamumuno rin sina Licayan at Maravilla sa 14-U cast na kabibilangan nina Lexious Cruz, Gavin Kraut, Zachary Morales, Ynigo Naredo, Seth Torrecampo at Gerard Manigque, habang sina Bautista, Ansay, Maristella Torrecampo at Cadee Dagoon ang magpapang-abot sa kanilang grupo.

At sa youngest category (12-U) ng torneo na mga suportado ng ProtekTODO, PalawanPay, Unified Tennis Philippines at UTR (Universal Tennis Rating), sina Brendan Morales, Dean Palaroan, Lorenzo Go at Naredo (boys) at Maristella Torrecampo, Ronielle Oliveros, Kylie Cautivo at Dagoon (girls) ang mga maghaharap. (Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID