WebClick Tracer

SPORTS

Ja Morant, Memphis Grizzlies nganga vs Sacramento Kings

Tuloy ang harabas ng Sacramento, inekisan ang pampitong sunod na panalo nang hiyain ang dinayong Memphis Grizzlies 113-109 sa 77th NBA 2022-23 regular season game Martes ng gabi sa FedEx Forum.

Nangalabaw ng 32 points, 8 rebounds at 6 assists si De’Aaron Fox, may 26 points si Harrison Barnes sa Kings (10-6).

Nagsumite rin si Kevin Huerter ng 18 markers mula 4 for 7 shooting sa 3s, 14 points pa mula kay Malik Monk.

Namusyaw ang 34 points ni Ja Morant, bumalik sa lineup ng Grizzlies(10-8) matapos ipahinga ng isang laro ang sprained left ankle.

Nagpundar ng 14-point lead sa kalagitnaan ng fourth quarter ang Sacramento, sapat para kapitan nang magtangkang bumalik ang Memphis.

Sa nakumpletong three-point play ni Morant nanindak ang Grizzlies 109-108 may 5 seconds na lang. Nagsalpak ng dalawang charities si Monk bago ang sablay na pares ng charities ni Morant sa final second. (Vladi Edurate)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID