WebClick Tracer

METRO

Japanese chef inatake sa condo

Patay ang isang “chef” na Japanese national matapos manikip ang kanyang dibdib sa loob ng tinutuluyang condominium kamakalawa sa may Mabini St., Malate, Maynila.

Hindi na naisalba sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Jun Nonaka, 59, nanunuluyan sa Mirage Condomium.

Sa imbestigasyon ni PSSg Arvy Macarasig, ng Manila Police District-homicide section, alas-6:27 ng umaga nang magreklamo ang biktima sa kababayan na si Mazao Koizumi, manager ng Izarbi Restaurant nang paninikip ng dibdib.

Sumaklolo naman ito at humingi ng tulong sa staff ng condo pero binawian din ito ng buhay.

Nalamam na ang biktima ay may sakit na hypertension at diabetes. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID