WebClick Tracer

SPORTS

Jerom Lastimosa bida sa Adamson Soaring Falcons kontra FEU Tamaraws

STANDING
TEAM W L
x-UP 11 2
x-AdMU 9 3
x-NU 9 4
AdU 6 6
DLSU 6 6
y-UE 4 9
y-FEU 4 9
z-UST 1 11

x – Final 4
y – eliminated

Mga laro sa Sabado (Araneta Coliseum, Quezon City)
11 am – AdU vs NU
1 pm – FEU vs UST
3 pm – UE vs DLSU
6:30 pm – UP vs AdMU

Nagbaon ng 23 points si Jerom Lastimosa tampok ang limang 3-point shot nang muling dagitin ng Adamson University Soaring Falcons ang Far Eastern University Tamaraws, 75-70, upang manatili sa kontensyon sa Final Four ng 85th University Athletic Association of the Philippines 2022 men’s basketball tournament Miyerkoles ng gabi sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“At least we’re able to control things that we can control. ‘Yan ang laging message namin sa players. Today, buhay pa rin kami,” ani AdU coach Nash Racela sa pagsampa sa 6-6 win-loss slate para saluhan sa pang-apat ang De La Salle University Green Archers sa second round eliminations standing.

Dehins kineri ng 14 markers ni Jorick Bautista ang Tams na nasipa na sa semifinals sa pagsalampak sa pagtabla sa pang-anim sa out na ring University of the East Red Warriors sa 4-9. (Elech Dawa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID