WebClick Tracer

METRO

Lover tsinugi ng selosong baon sa utang

Dahil sa mga problema sa pagkakautang na sinabayan pa ng sobrang pagseselos, naburyong ang isang lalaki at napatay sa saksak ang kanyang live-in partner sa Brgy. Calumpang, Liliw, Laguna.

Naaresto na kamakalawa at sinampahan ng kasong murder ang suspek na si Jan Rhey De Guzman, 27-anyos.

Sa report ng Liliw police, alas-diyes ng gabi noong Linggo nang pagsasaksakin ng suspek ang live-in partner niyang si Diane Angela Canlas, 22, sa loob ng kanilang bahay.

Nagtalo ang dalawa dahil sa pagseselos ng lalaki hanggang sa saksakin ang babae gamit ang kutsilyo.

Nagtamo ang biktima ng mga saksak sa katawan at nasawi habang ginagamot sa Nagcarlan, District Hospital.

Tumakas ang suspek matapos ang krimen subalit agad din itong naaresto ng Liliw police.

Sinabi sa puliya ng mga kaanak ng biktima na ilang araw na umanong balisa ang suspek dahil sa pagkakabaon nito sa utang at pagka-adik sa online sabong. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID